Naniniwala ba kayo sa agimat at orasyon?
Noong bata pa ako may madalas akong may makakwentuhang matanda sa Quezon, si Lolo Indo tungkol sa mga dasal o orasyon at mga agimat. May mga pinakita pa siya sa aking mga maliliit na aklat, medalyon , mga kahoy, bato at mga orasyon. May binigay pa nga siyang mga aklat sa akin at mga dasal o orasyon.Nakalimutan ko na
Subali't habang isa-isa kong tinitingnan ang mga ito, naisipan ko na, ano kaya kung sumulat ako ng blog tungkol dito upang malaman ko kung may mga kapwa ko Filipino na naniniwala pa rin sa mga bagay na ito. Dahil magmamahal na araw tamang-tama siguro na sulatin ko ito. Naaalala ko na napakahalaga kay Lolo Indo ng mahal na araw kung tungkol sa mga iniingatan n'ya ang pag-uusapan.
Sa makabagong panahon na kung saan masyado ng moderno ang mga teknolohiya, naghahari ang computer at kung ano-ano na ang mga relihiyon na pinaniniwalaan, may mga tao pa kayang naniniwala sa mga ganitong bagay.
Una kong dinampot ang isang medyo makapal na aklat na may titulong "Karunungan ng Diyos", subali't ng makita ko ang isang notebook na pinag-sulatan n'ya ng mga binibigay n'yang dasal sa akin tuwing kami ay magkukwentuhan ay naisip kong tungkol dito muna ang isulat ko.
Una n'yang isinulat doon ang mga dasal na ang tawag n'ya ay tigalpo sa nagagalit, kasi daw medyo pasaway ako kaya para kaunti lang o walang magalit sa akin dapat malaman ko ito. Ito daw ang tigalpo ng Panginoong Jesus sa lahat, "Jesus Amaguam Murciam Galinam Mitam Liberatris Egosum Jesus Pacuam". Mayroon ding s'yang isinulat na oracion sa pakiusapan, "Edeus Gedeus Dedeus Deus Deus Deus Egosum Gavinit Deus".
Dahil maraming aso sa lugar namin sinulat n'ya ang lihim na pangalan ng aso ni San Roque para hindi daw ako kagatin ng aso, "Santom Aratom Licom Kium Hum". Medyo inuubo ako noon, kaya binigyan n'ya rin ako ng dasal na dapat ibulong sa tubig bago inumin, "Luom Acduo Muao Cilim Vum Morus". Marami pa akong pwedeng isulat dito kung may pagkakataon at siguro kung malaman ko lang na may kabuluhan pa ang ganitong karunungan sa ibang tao. May mga binigay pa s'yang bulong sa alak o tubig para maging cabal at dahil medyo torpe ako noon may mga dasal s'yang pinagkaloob para mapa-ibig ang babaeng nagugustuhan.
Isa sa mga oracion para sa cabal na binigay n'ya sa akin ay "Acdudum Amaruc Asaruc Ataluc Icob Rocub Baio Lepaus Naprap Hoc Est Enim Corpus Meum Cabal ka po ng buong katawan ko. Amen".
Isa sa maraming bagay na hinangaan ko sa kanya ay ang kanyang panggagamot ng walang bayad. Bukod sa maraming s'yang napapagaling noon, na hindi ko alam kung tunay na mabisa ang ginagamit n'yang mga dasal o talaga lang masidhi ang pananampalataya sa kanya ng mga tao, marami din ang gumagalang sa kanyang mga payo at desisyon. Nagtataka nga ako noon kasi kahit ang mga may pera at kayang magbayad ng dalubhasang doktor ay nagpapagamot din sa kanya. Marahil ay napapagaling nga ni Lolo Indo ang mga ito kasi marami s'yang natatanggap na regalo, pasalubong at pagkain.
ako poy natutuwa sa iyong blog po. sarap pong basahin. at ako ay naniwala po dito. maraming salamat po. sana po bumalik na ang aking asawa. sa ngayon po dasal po muna ako gamit nitong dasal. gusto ko po magkaroon ng mutya niyo po. paano po ba?
ReplyDeleteNaniniwala po ako di2 kasi marami na akong nakitang kababalaghan, maari po bang magpatulong , umalis na ang asawa ko at pakiramdam ko ay may gusto shang balikan sa Bahrain na bagong babae ayaw nya kaming isama at halos ayaw umuwi nung may nakita ako sa gamit nya mas galit pa sha ano po ang aking gagawin magcalas11@yahoo.com
ReplyDeletemaari nyo rin po ba ako turuan ng paggamit ng mga ganyan,, pinamanahan din po kasi ako ng aking ama niyan,, ngunit hindi ko pa po lumbos magamit,, sa kadahilanan na hindi pa din po ako marunong gamitin ang mga ito,, email ko po,, janicka_12@yahoo.com
ReplyDelete