Tuesday, October 13, 2009

Orasyon- Totoo or Hindi

Orasyon- Totoo or Hindi

ORASYON- Totoo ba ang mga Ito?

Naniniwala ba kayo sa mga orasyon or spell at sa mga agimat? May mga katotohanan ba sa mga ito o mga kathang isip lamang. Isinulat ko ang blog na ito para ma ibahagi ko ang aking pananaw tungkol sa bagay na ito, at hindi para manghusga or to convince the reader to believe everything I'm saying.

Noong una, isa ako sa mga taong hindi naniniwala sa mga ito.Para sa akin, kung wala kayong mapapakita sa akin na proof na ang isang bagay ay totoo then that thing for me does not exist. Lumaki kasi ako sa syudad at ang alam ko lang ay computer mga music at tv. Marami akong naririnig galing sa mga lolo at lola ko patungkol sa mga ito lalo na kapag nagbabakasyon kami sa province.Pero lahat ng ito ay nagbago ng ipinakilala sa akin ng aking ina ang kanyang tiyuhin(lolot tibong ang tawag ko sa kanya). Sa panahon na yun hindi ko alam na isa pala siyang manggagamot. Hindi lang basta mang gagamot siguro dahil nagtataka ako kung bakit kahit ang mga kilalang manggamot sa ibang probisya ay sa kanya pumunta at humingi ng kung ano mang tulong sa kanya. Binali wala ko lang ang lahat dahil hindi naman ako interesado sa mga kaalaman na mayroon ang lolo ko. Ayaw din naman ng mama ko na magka interes ako sa mga ito. Ngunit ng magpasya ang mga magulang ko na sa province na kami maninirahan at doon narin namin ituloy ang aming pag-aaral kasama ng mga kapatid ko, doon na nagsimulang magbago ang pananaw ko sa mga orasyon at sa mga lihim na kaalaman.

UNANG PANAYAM KY LOLO TIBONG

Nang nasa province na kami ay pumunta ang lolo ko sa bahay namin dahil simula't simula pala ay talagang close na pala si mama at ang mga kapatid niya ky lolo tibong. Namalagi siya sa bahay ng pitong araw at sa loob ng mga araw na ito ay marami siyang kwento tungkol sa mga lihim na kaalaman at paano niya nakuha ang kanyang agimat at kaalaman sa panggagamot. Nang nagkausap kami ay tinanong ko kaagad sya kung totoo ba talagang may agimat at kung mayroon ba talagang mga orasyon. Sabi ng lolo ko ay totoong may mga agimat at orasyon, at hindi lahat ng bagay ay kayang ipaliwanag ng siyensya. Sa araw-araw naming pag-uusap ni lolo ay sinabi nya alam na daw nya kung anong klaseng tao ako at kung mapagkakatiwalaan daw ako ng mga lihim. Sabi nya hindi daw basta basta at kung ky sino2x lang ibibigay ang kaalaman dahil baka gamitin ito sa kasamaan at sa paghihigante sa kapwa. Mula noon ay naging malapit na ako sa aking lolo at may pagkakataon nga na tinatanong ako ng mama ko na baka daw ay may tinuturo na sa akin si lolo dahil ayaw nya. Marami daw kasi mga taong nagnais ng lihim na kaalaman or orasyon ang nawawala sa katinoan or worst ay namamatay sa hindi malamang dahilan. Tinanong ko rin ang lolo ko na totoo ba na kung gusto kung pag-aralan ang lihim o mga orasyon ay posibleng mawala ako sa katinoan or maari akong mamatay. Sabi niya ay totoo lang ang mga ito sa ibang mga manggamot pero hindi sa kanya dahil hindi daw ordinaryong mga orasyon ang nasa sa kanya at hindi rin siya ang magpapasya kung dapat ba akong bigyan kahit na isang orasyon lang.

ISANG TAON AT ISANG ARAW

Ang orasyon daw na nasa sa kanya ay hindi basta basta lang nakukuha, hindi daw ito tulad ng iba na kung saan ay kailangan mong pumunta sa simbahan o sementeryo at doon ay magdasal para makuha ang agimat,orasyon o ang kaalaman upang manggamot. Sabi nya sa akin ay hindi daw ikaw ang magpapasya kung gusto mo kundi ang Diyos daw at kung karapat dapat ka ay malalaman mo daw kung paano sa takdang panahon. Sabi nya ay nagsimula daw ang lahat sa isang panaginip. Mayroon daw babae sa panaginip niya na naka puti at sinabihan siya na pumunta sa isang lugar at doon manalangin dahil marami daw ang mangangailangan ng tulong niya. Pinuntahan daw nya ang lugar at doon nga ay nanalangin. Pagkatapos daw noon ay sinabihan siya na sa ibaba daw ng kanyang kinakatayuan ay may ilog. Doon daw dapat nyang basain ang ulo nya sa tubig at ipikit ang kanyang mata at manalangin na gawin syang karapat dapat sa lihim at pagkatapos manalagin ay idilat ang mata. Lahat ng yun ay ginawa nga ng lolo ko at pag dilat daw nya ay wala na siya sa ilog. Hindi daw nya alam kung saan yun pero napaka ganda daw ng lugar pero natatakot siya dahil parang siya lang ang tao doon. Pagkatapos daw ay narinig na naman nya ang isang bulong na inuutosan sya nya kunin ang kahoy na hugis martilyo na nasa ibabaw daw ng bato na ang hugis ay parang ulo ng tao at hampasin daw sa may noo ang bato ng tatlong beses.

1 comment:

Note: Only a member of this blog may post a comment.