Tuesday, October 13, 2009

ang karunungan ng diyos (agimat at orascion)..

-->Ang Dalawang Karunungan ng Diyos
(Ika-apat na Labas)

Sa unang labas ng seryeng ito naipaliwanag na ang Diyos ay mayroong dalawang uri ng karunungan. Ito ay ang Tago at Hayag na sa kasalukuyang ay ginamit na ng mga tao subalit hindi ito naintindihan ng maigi. Ngayon, ating tutunghayan at sasaliksihin ang simulain ng dalawang karunungan ito. Paano at saan ba nagsimula ang Hayag at Tago? Kung bubusisiin natin ang mga ito, ating maaaninag na magkakaiba ang bawat pinagmulan. Ang Hayag ay nagsimula ng likhain ng Diyos ang tao sa mundo habang ang Tago ay nagsimula sa wala pa ang lahat ng bagay. Ang ibig sabihin, ay wala kahit isa man lang sa mga linikha ng Diyos.

Sa Aklat ng Genesis sa Biblia, ganito ang panimula, Gen. 1:1, 2 at 3 "NANG SIMULA LIKHAIN NG DIYOS ANG LUPA AT LANGIT, ANG LUPA AY WALA PANG HUGIS O ANYO, DILIM ANG BUMABALOT SA KALILIMAN AT UMIIHIP ANG MALAKAS NA HANGIN SA IBABAW NG TUBIG", SINABI NG DIYOS: "MAGKAROON NG LIWANAG AT NAGKAROON NGA." Sa puntong ito mayroong bagay na hindi maipaliwanag, bakit? Kasi maliwanag na sinabi na sa pasimulang likhain pa lamang ng Diyos ang lupa at hangin ay mayroon ng lupa subalit ito'y wala pang hugis at ang hangin ay umiihip na sa ibabaw ng tubig. Sa madaling salita, sa hayag na karunungan (bibliya) hindi maipaliwanag ng lubusan ang tawag na simula nang ang mundo ay likhain ng Diyos. Paano nilikha ang lupa, hangin at tubig? Ang mga ito ay hindi na binanggit sa Biblia. Subalit sa Tagong karunungan ay ganito ang sinabi: "Bago likhain ng Diyos ang bagay partikular na sa ating daigdig, ay inihanda muna Niya ang Apat na Elemento na siyang magiging sangkap sa sanlibutan. Ito ay ang HANGIN, TUBIG at LUPA at APOY. May sinabi ang Diyos na ganito: "ACNA TURVATE SODEM AC SODEM TEASET BUITARAP ACME MIMJARUL LEGARA HAMUSA VINESA MATUMI EROP BUNSIRAP." Nang ito'y masabi lumitaw ang lupa, lumalagablab ang init ng Apoy, umihip ang simoy ng Hangin at umoudyap-udyap ang paggalaw na parang maliliit na alon ng tubig.
At muling nagsalita ang Diyos. "CREAVIT SECTIBUS CAELUM ET TERRAM," ibig sabihin ay simulan ko nang gawin ang langit at ang sanlibutan at nagsalita pa muli ang Diyos ng ganito: "MANAOT LUMBRATE ACTIVE DENS MEAVITA DEUS SANCTE MEUS", nang matapos itong sabihin nagkabuklod-buklod ang lupa, tubig, apoy at hangin. Muling nagsalita ang Diyos ang ganito: "MALQUE ATIM MIRBEATIM MACMITIM, at ang tubig ay nagkabuklod-buklod sa magkaibang-ibang lasa.
Sang-ayon sa Biblia, sa aklat ng mga awit 90:2 ganito ang sabi: "WALA PA ANG MGA BUNDOK, HINDI MO PA NILALANG, HINDI MO PA NILILIKHA ITONG BUONG DAIGDIGAN, IKAW NOON AY DIYOS NA, PAGKAT IKAW AY WALANG HANGGANG," madaling sabi, ang Diyos ay walang simula at walang katapusan, kaya siya ay tinawag sa mga kultong grupo na INFINITO DEUS.
Kung ganyan ang kalagayan ng Diyos, mayroong tanong na ganito: Noong wala pa ang mundo saan nakatira at ano ang kalagayan ng Diyos? Kung ang Biblia ang pananagutin natin, walang malinaw na sagot na mababasa mo, subalit sa Tago na karunungan ay mayroon, at ito ang nakasulat sa Aklat ng Kalikasan. Noong wala pa ang mundo ang Diyos ay naririyan na, at Siya ay nakatira sa kanyang kaharian na siya rin ang kanyang kapangyarihan na kung tawagin sa Tagong karunungan ay "CIELO DE CHRISTILLENO" na ang ibig sabihin ay "langit sa mga langit."
Bagamat wala pa ang lahat maliban sa Diyos na nag-iisa, ang sinasabing langit sa mga langit kagaya ng kalawakan na hindi malalaman ang pinagmulan at ang hangganan nito. Ang sinasabing kalawakan ay isang puwang na lugar na walang nilalaman, subalit ito'y napupuno at nababalot ng isang liwanag na walang simula at wala ding hangganan, sang-ayon sa Aklat ng Kalikasan ay ganito: AAZZAAXXXAACZA ZAAX ZAAZ ZAXAZ JIY OAFI JAAIYEI", ang ibig sabihin ay ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang abutin ni nino man na nilalang sa lupa kahit sa isip lamang.

23 comments:

  1. kuya patulong naman po...silahis po ako at bf kaso naghiwalay na kami kelangan ko syang bumalik dahil mahal na mhal ko po sya.....anu po dapat kong gawin para bumalik sya...may picture po sya dto sa bahay....please kelangan ko po ng tulong nyu....magkanu po ang babayaran...at ano ang cp num nyu....salamat po....

    ReplyDelete
  2. hello sana po matulungan nio po sana ako kuya

    ReplyDelete
  3. sana po matulungan nio po ako sa ka leave in ko

    ReplyDelete
  4. gusto ko lang po sana magpatulong sainyo kung paano bumalik ang lambing at samahan namin dalawa kasi po mahal na mahal ko po talaga siya na ako lang talaga ang nasa icip at puso nia habang buhay please po reply

    ReplyDelete
  5. Pahingi po ako nang cntct #po ninyo gustong gusto ko po kayong makausap po.ito po ung isa ko pong email ...maraming pong slmat/philmarvic3@yahoo.com

    ReplyDelete
  6. kiya aq din po penge 2long..,blue_ai29@yahoo.com

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Sir tulungan nyo po Ako para po bimalik ex ko mitchesquejo@gmail.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ms. Michelle nacontact mo ba si Sir? Kamusta na kayo ng ex mo?

      Delete
  9. Ano po bang consequences ang kapalit nito kahit hindi abusuhin?

    ReplyDelete
  10. Kuya..patulong po.gusto ko pong bumalik sa akin ang ex me na nasa ibang bansa.picture lang meron me.patulong po.salamat.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Ms. Nina, kamusta po? Nalaman mo ba kung paano gawin?
      May good news ba? Naging okay ba kayo? Share ka naman po ng update. Patulong din ako.

      Delete
    2. Hello Ms. Nina, kamusta po? Nalaman mo ba kung paano gawin?
      May good news ba? Naging okay ba kayo? Share ka naman po ng update. Patulong din ako.

      Delete
    3. Hello Ms. Nina, kamusta po? Nalaman mo ba kung paano gawin?
      May good news ba? Naging okay ba kayo? Share ka naman po ng update. Patulong din ako.

      Delete
  11. Kuya gusto ko po sana humingi ng tulong. Pwede ko po makuha contacts ninyo?

    ReplyDelete
  12. Kuya gusto ko po sana humingi ng tulong. Pwede ko po makuha contacts ninyo?

    ReplyDelete
  13. Kuya pls help me po d ko na po kc alam gagawin ko, hirap na hirap n po kalooban ko pls help me po, d ko n po alam gagawin ko tulungan nyo po ko para bumalik ang asawa ko, at iwan nya babae nya

    ReplyDelete
  14. Sana po matulungan nyo ako from pinkscorpio1974@gmail.com

    ReplyDelete
  15. Pls po help me from pinkscorpio1974@gmail.com

    ReplyDelete
  16. I need your help! Pano kita I add sa FB? Please

    ReplyDelete
  17. Kua pwede po pahinge ng number mo po

    ReplyDelete
  18. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.