Friday, November 2, 2012

sign of cross(or tamang pag antanda)

The Sign of the Cross / Signum Crucis+ Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.


heto po tamang pag antanda sa ating mga pilipino
maging ang mga dasal na ginawa ko....

old





new sign of cross




hope na masunod po ninyo ito ito


Ama Namin, nasa langit ka.
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasama kami sa kaharian mo,
Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.
 Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
 Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Amen.


Aba Ginoong Maria / Hail Mary / Ave Maria
Aba Ginang Maria, napupuno ka ng grasiya,
Ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo.
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala rin naman ang anak mong si Hesus.
Santa Maria, Ina ng Diyos
Ipanalangin mo kaming makasalanan
Ngayon at kung kami'y mamamatay.
Amen.


Luwalhati sa Ama / Glory Be / Gloria Patri
Luwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. 
Kapara nang sa una, gayon din ngayon at 
magpakailan pa man sa walang hanggan. 
Siya nawa.

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapanyayari sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay at ibinaon. Nanaog sa mga impiyerno; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyayari sa lahat. Doon magmumula't pariritong huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, na may Santa Iglesya Katolika; may kamsamahan ng mga Santo, may ikawawala ng mga kasalanan; at mabubuhay na mag uli ang nangamatay na tao, at may buhay na walang hanggan. Amen.

Another version of 
SUMASAMPALATAYA / The Apostles' Creed / Credo
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.  Sumasampalataya naman ako kay
Hesukristong iisang anak ng Diyos,Panginoon nating lahat;
nagkatawang-tao sya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipanako sa krus, namatay inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
 Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit,
naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo,
sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga santo,
sa kapatawaran ng mga kasalanan.
Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga namatay na tao.
At sa buhay na walang hanggan.  Amen.

hindi ko po naman sinasabi na akoy sundin nyo at tama ang mga ginawa ko
ang sa akin lang po ay heto po ang dasal ko 
na sana kahit paano nakatulong po sa inyo....

1 comment:

  1. ang galing naman master ed ksi tama naman baligtad ang cruz

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.